Positivity rate ng NCR, tumaas muli sa 34.7 porsyento – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Tumaas muli ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Base sa datos na inilabas ng OCTA Research Group, araw ng Lunes (January 3), tumaas sa 34.7 porsyento ang positivity rate sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, maaring umabot sa 5,000 hanggang 6,000 ang maitalang bagong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa sa Martes, January 4.

Sa nasabing bilang, posible aniyang 4,000 hanggang 5,000 rito ang mapaulat sa NCR.

Hinimok naman ni David ang publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa health protocols.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 24,992 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang January 3, 2022.

Read more...