Scheduled games ng PBA ngayong linggo, suspendido

By Angellic Jordan January 03, 2022 - 08:51 PM

Sinuspinde ng Philippine Basketball Association (PBA) ang lahat ng itinakdang laro ngayong linggo.

Ayon sa PBA, suspendido ang mga laro hanggang mag-anunsiyo ang Games and Amusements Board (GAB) para payagang ipagpatuloy ang liga.

Nagpadala na ng liham ang PBA sa GAB sa araw ng Lunes, January 3, at umaasang makatatanggap ng tugon sa susunod na mga araw.

Maliban sa GAB, kailangan din ng PBA ng approbal mula sa mga lokal na pamahalaan upang maisagawa ang mga laro.

Epektibo ang Alert Level 3 sa Metro Manila hanggang January 15 kasunod ng biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Bago ang pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang sakit, pinayagan na ng PBA ang 50 porsyentong kapasidad sa SMART Araneta Coliseum.

TAGS: COVID, InquirerNews, PBA, PBAGames2022, RadyoInquirerNews, COVID, InquirerNews, PBA, PBAGames2022, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.