Sa inilabas na memorandum, inihayag ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na lumabas na positibo ang kanilang 12 empleyado sa isinagawang COVID-19 antigen testing sa araw ng Lunes, January 3.
Kasunod ng rekomendasyon ng Medical Section at matapos ang konsultasyon at pag-apruba ni Chief Justice Alexander Gesmundo, suspendido ang pasok mula January 4 hanggang 6, 2022.
Sa kasagsagan ng work suspension, magsasagawa ng disinfection sa naturang opisina at bibigyang-daan ang komprehensibong contact tracing ng Medical Section.
“Any extremely urgent matters requiring onsite presence may be acted upon accordingly by the concerned offices subject to the discretion of the respective Justice/ Head of Office,” saad pa nito.
Dagdag nito, “The Antigen testing scheduled on January 6, 2022 for the remainder of the untested employees is moved to January 7, 2022.”