Operasyon ng campaign headquarters ni VP Robredo, sinuspinde na rin
Pansamantalang itinigil ang operasyon ng campaign headquarters ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pagtaas ng napapaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Robredo na layon nitong bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga volunteer at staff.
Gayunman, patuloy pa rin aniya ang pag-aabot ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Nananatili aniyang bukas ang Bayanihan E-Konsulta at ibabalik din ang Swab Cab sa linggong ito.
Nanawagan din si Robredo sa publiko na maging maingat at pagtuloy na tumalima sa ipinatutupad na health protocols.
“Proteksyunan natin ang ating mga mahal sa buhay at tumulong na mapababa ang kaso ng COVID sa pamamagitan ng sakripisyo natin,” pahayag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.