Suicide, hinihinala sa OFW na nasa quarantine hotel

By Jan Escosio January 03, 2022 - 07:27 PM

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa isang quarantine facility sa Pasay City.

Sa ulat, bandang 11:17, Lunes ng tanghali (January 3), nang madiskubre ang nakabiting 40-anyos na lalaki sa banyo ng Citadines Bay City Manila.

Nabatid na galing sa Papua New Guinea ang OFW at residente ng Taytay, Rizal. Dumating ang lalaki sa bansa bandang 8:00, Linggo ng gabi (January 2).

Bago nadiskubre ang bangkay, isang housekeeper ang kumatok sa pintuan ng kuwarto ng lalaki para bigyan ng almusal ngunit walang sumagot.

Bunga nito, nagpasaklolo na ang housekeeper sa dalawang empleyado ng hotel. Agad binuksan ang pinto at nadiskubre ang nakabitin na wala ng buhay na OFW.

Bahagi ng protocols na sumailalim sa ilang araw na quarantine sa isang pasilidad na itinalaga ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Filipino na nagmumula sa ibang bansa hanggang sa makumpirma na negatibo sila sa COVID-19.

TAGS: COVIDquarantine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDquarantine, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.