LGU funds hiniling ni Sen. Imee Marcos na ilabas na

By Jan Escosio January 03, 2022 - 06:47 PM

Kailangan na ngayon ng mga lokal na pamahalaan ng pondo kayat nanawagan si Senator Imee Marcos sa gobyerno na sinimulan na ang pagpapalabas ng pera mula sa 2022 national budget.

 

“Our LGUs are the frontliners, and they urgently need the long-denied Mandanas-Garcia ruling realized in this year’s national budget,” sabi ni Marcos sa katuwiran na napirmahan na ng Pangulong Duterte ang 2022 General Appropriations Act.

 

Dagdag pa ni Marcos; “We can start the New Year right by empowering LGUs to manage a persistent pandemic and natural calamities yet to come.”

 

Sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema noong 2018, 40 porsiyento ng mga nakolektang pambansang buwis ay dapat ilaan sa mga lokal na pamahalaan.

 

Tatanggap ang LGUs ng P960 bilyon base sa komputasyon ng Department of Finance.

 

Katuwiran ni Marcos sa kanyang panawagan dumadami na muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa at kailangan na makatugon ang mga lokal na pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.