4,084 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Nasa 4,084 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na muling nakapagtala ng higit 4,000 na bagong kaso ng nakahahawang sakit.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 3), pumalo na sa 2,855,819 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 24,992 o 0.9 porsyento ang aktibong kaso.

19,252 sa active COVID-19 cases ang mild; 795 ang asymptomatic; 3,051 pasyente ang moderate; 1,563 ang severe habang 331 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 16 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,586 o 1.81 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 497 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,779,241 o 97.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...