Presidential aspirants Manny Pacquiao, Bongbong Marcos sinuspindi ang lahat ng political gatherings

By Jan Escosio January 03, 2022 - 03:38 PM

Apektado na rin ng tumataas na bilang ng COVID 19 cases maging ang political gatherings nina presidential aspirants Manny Pacquiao at Bongbong Marcos bilang pagtugon na rin  sa panawagan na itigil muna ang pagsasagawa ng political gatherings.

 

Ayon kay Pacquiao inabisuhan na niya ang kanyang grupo na pansamantalang suspindihin ang kanilang scheduled political gatherings at magsagawa na lang ng zoom meetings habang tinutugunan ng gobyerno ang pagtaas muli ng mga kaso ng COVID 19.

 

“Kalangan nating makiisa upang mabilis na mapababa ang mga kaso ng Covid. Mas mabuti talaga na mabigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang mapigilan ang lalong pagdami ng mga kaso ng Covid lalo na’t may mga ulat na nagkaroon na ng community transmission itong kinakatakutang Omicron variant,” sabi pa nito.

 

Samantala, sa bahagi naman ni Marcos, inanunsiyo ng kanyang kampo na pansamantala nilang isinara ang campaign headquaterts ng UniTeam nil ani Davao City Mayor Sara Duterte.

 

Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, hanggang Enero 15 ay hindi sila magsasagawa ng public appearnaces, sorties at assemblies.

 

Ibinahagi pa niya na 20 sa kanilang staff ang nag-positibo sa COVID 19 ngayon araw kayat kailangan ma-disinfect din ang kanilang headquarters.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.