DOT chief: Isa pang Pinay galing US hindi nag-quarantine

By Jan Escosio January 03, 2022 - 12:39 PM

Ipinaubaya na ni Tourism Secretary Berna Romulo – Puyat sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Quarantine ang isa pang Filipina na dumating sa US nang hindi sumailalim sa mandatory quarantine.

 

Ayon kay Romulo-Puyat dumiretso na sa kanyang condominium ang Filipina sa halip na sa isang quarantine facility.

 

Sinabi nito na ibinigay lamang sa kanya ang pangalan ng Filipina gayundin ang ilang larawan nito pagdating niya mula sa US.

 

“Nagpa-masahe pa as in she was even posting it on Instagram stories. Very proud ha na she was skipping quarantine and her name was given and the person who knows her even gave a sworn affidavit. Nahuli na rin ‘yung tao na ‘yon,” sabi pa ng kalihim.

 

Dagdag pa nito, ibinigay na niya sa DILG at BoQ ang mga detalye ng panibagong quarantine violator at naaresto na ito.

 

Bago pa ito, nabansagan na ‘Poblacion Girl’ o ‘Omicron Girl’ ang isang Filipina na sinasabing tumakas sa kanyang quarantine hotel at nakipag-party sa isang bar sa Barangay Poblacion sa Makati City.

 

Ilan na sa mga nakasalamuha ng babae ay nagpositibo na sa COVID 19 kabilang ang ilang empleado ng mga pinuntahan niyang establismento.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.