Ito ang sinabi ni Interior Usec. Jonathan Malaya kasunod na rin nang pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3 dahil sa pagsirit ng mga kaso sa pagpasok ng bagong taon.
“We’re looking at the neighboring provinces of the National Capital Region because they really form an integral part of the Metro Manila area. We are looking, observing very closely the provinces of Cavite, Laguna, Rizal and Bulacan,” sabi ni Malaya.
Dagdag pa ng opisyal, nangangalap na ang Department of Health ng mga datos sa mga nabanggit na lalawigan para malaman ang tunay na sitwasyon.
Ayon naman sa OCTA Research maituturing na ‘high risk’ muli ang Metro Manila bunga nang paglobo ng bilang ng mga nahawa ng nakakamatay na sakit nitong nakalipas na Kapaskuhan.