Mga ‘kapitbahay’ ng Metro Manila guwardiyado sa COVID 19 cases

By Jan Escosio January 03, 2022 - 09:15 AM

Ngayon naghigpit muli ng quarantine restrictions sa Metro Manila, nakatutok ngayon ang gobyerno sa mga katabing lalawigan na nakasama sa NCR Plus Bubble.

 

Ito ang sinabi ni Interior Usec. Jonathan Malaya kasunod na rin nang pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3 dahil sa pagsirit ng mga kaso sa pagpasok ng bagong taon.

 

“We’re looking at the neighboring provinces of the National Capital Region because they really form an integral part of the Metro Manila area. We are  looking, observing very closely the provinces of Cavite, Laguna, Rizal and Bulacan,” sabi ni Malaya.

 

Dagdag pa ng opisyal, nangangalap na ang Department of Health ng mga datos sa mga nabanggit na lalawigan para malaman ang tunay na sitwasyon.

 

Ayon naman sa OCTA Research maituturing na ‘high risk’ muli ang Metro Manila bunga nang paglobo ng bilang ng mga nahawa ng nakakamatay na sakit nitong nakalipas na Kapaskuhan.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.