Halos 3,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Bago matapos ang taong 2021, malaki muli ang itinaas ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (December 31), pumalo na sa 2,843,979 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 14,233 o 0.5 porsyento ang aktibong kaso.

2,916 kasi ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Nasa 132 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,504 o 1.81 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 481 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,778,24q o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...