Apat pang firework-related injuries, naitala sa bansa; Kabuuang bilang, umabot na sa 30
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng apat na panibagong kaso ng firework-related injuries sa Bisperas ng Bagong Taon.
Sa datos hanggang December 31, umabot na sa 30 ang kabuuang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok.
May mga napaulat na natamaan sa bahagi ng katawan, partikular sa kamay (13), ulo (9), mata (8), leeg (5), at dibdib (4).
Sinabi ng DOH na wala namang naiulat na kaso ng fireworks ingestion at stray bullet injury.
Hinikayat ng kagawaran ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok para sa ligtas at masayang pagsalubong ng Bagong Taon.
Maari anilang gumamit ng noise-makers at light emitting devices bilang alternatibo sa selebrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.