Lima pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa lima ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (December 31), 42,265 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 28 ang aktibo pang kaso.

Isa namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, nanatili sa 42,112 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...