Philippine Veterans Bank nagbigay ng higit P1M donasyon sa Odette victims
Ilang lokal na pamahalaan sa Visayas at Palawan ang naging benepisaryo ng higit P1 milyong tulong ng Philippine Veterans Bank (PVB) para sa mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon sa PVB ang donasyon ay para sa pagbangon at patuloy na pagbibigay tulong sa ilang lokal na pamahalaan sa Cebu, Iloilo, Negros Occidental, Bohol at Palawan.
Sa Cebu, kabilang sa mga nakatanggap ng cash donations ay ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue, Talisay, Naga, Lapulapu at Toledo, gayundin ang mga bayan ng Cordova, Consolacion, at Liloan.
May ilang barangay din ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa naturang bangko.
Sa Iloilo City, personal na tinaggap pa ni Mayor Jerry Treñas ang tulong mula kina PVB Iloilo Branch head Elsa Peregil at PVP Loans Officer Jo Ann Cheng. Sa probinsiya, natulungan naman ang mga bayan ng Oton, Tigbauan at Miagao.
Samantala, sa Negros Occidental, nabigyan ng donasyon ang Bacolod City, Bago City, La Carlota City, Kabankalan City at ang mga lokal na pamahalaan ng San Enrique, Ilog, Hinigaran, Pulupandan at Binalbagan.
Sa Bohol, ang nabigyan ng PVB ng ayuda ay ang Tagbilaran City, Panglao, Calape, Albuquerque, Anda, Antequera, Sikatuna, Balilihan at Corella.
Sa Palawan, nakinabang ang mga bayan ng Roxas at San Vicente, gayundin ang Barangays Langogan, Mandaragat, San Pedro, Kalipay at Mangingisda, na pawang nasa Puerto Princesa City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.