Overseas returning Filipina na lumabag sa quarantine irereklamo ng DOH, BOQ

Nakahanda na ang ihahain na reklamo laban sa Filipina na lumabag sa quarantuine protocols pagdating niya mula sa Estados Unidos.

 

Sinabi pa ni Bureau of Quarantine Dir. Roberto Salvador Jr., nadiskubre na rin ang iba pa na hindi sumunod sa mandatory quarantine.

 

“Lahat ng nagbebreak ng protocol, naaidentiify natin, kasi hindi po natutuloy sa hotel, natetrace po natin ‘yun at naibabalik po sa quarantine or na-e-endorse sa LGU,” sabi ni Salvador.

 

Pinangunahan ng opisyal ang pag-turn over ng higit 100 returning Filipinos na positibo sa COVID 19 sa Manila COVID 19 Field Hospital.

 

Ibinahagi din ni Salvador na may mga nakasuhan na silang quarantine violators at aniya sa kaso ng Filipinas na nakipag-party pa sa Makati City, sasampahan na nila ito ng pormal na reklamo.

 

Aniya ang kanyang tanggapan at at Department of Health (DOH) ang complainants sa kaso.

Read more...