Bagong pag-asa, oportunidad at lakas sa 2022 – VP Leni

By Jan Escosio December 31, 2021 - 11:53 AM

Mapagpala at may pag-asang bagong taon ang hiling ni Vice President Leni Robredo sa pagpasok ng 2022.

 

“Panahon ito ng bagong pag-asa, bagong pagkakataon, at bagong lakas para harapin ang bukas. Sabay nito, panahon din ito ng pagbabalik-tanaw sa taong nagdaan, at sa aral na hatid nito: Anumang pagsubok ang hinarap natin, nakaraos tayo dahil sa pagtutulungan at pakikiisa,” sabi pa ni Robredo sa kanyang New Year’s message.

 

Hiling din nito sa mga Filipino na patuloy na magtulungan at buksan ang kani-kanilang puso’t isipan na magkaka-ugnay ang ating mga karanasan at kinabukasan.

 

“Ngayong Bagong Taon, piliin nating magpatuloy sa landas na ito: Makibitbit sa dalahin ng ating kapwa, at magbukas ng loob sa katotohanang magkakarugtong ang karanasan at kinabukasan ng bawat Pilipino. Mas maliwanag at mas maginhawa ang inaasahan nating 2022 dahil mismo sa kaisipang ito—na may lakas tayong maaasahan mula sa isa’t isa, at laging sapat ang lakas na ito para maalpasan ang anumang hamon,” dagdag pa ni Robredo.

 

Sabi pa niya; “Muli, isang mapagpala at puno ng pag-asang 2022 sa inyong lahat.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.