Higit 100% pagtaas ng online child abuse cases ikinaalarma ni Sen. Leila de Lima
Hinimok ni Senator Leila de Lima ang mga awtoridad na paigtingin pa ang ginagawang kampaniya para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng online child abuses cases sa bansa.
Sinabi ni de Lima kinakailangan na matugunan ang mga ugat at dahilan kayatr nagpagpapatuloy ang mga kaso ng pang-aabuso sa bata.
Aniya sa palagay niya ay kinakailangan na masuri ang ginagawang pagpapatupad ng mga batas para protektahan ang mga bata.
Binanggit nito ang datos na inilabas ng Department of Justice (DOJ) na nagpakita nang pagtaas ngayon taon ng online sexual exploitation cases na kinasasangkutan ng mga batang Filipino.
“The continuous increase of online sexual abuse targeting minors only emphasizes the need for the government not just to investigate this alarming issue but also to review, assess and expand the implementation of the laws that are supposed to protect the Filipino youth and children,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Social Justice.
Sa ulat ng Office of Cybercrime ng DOJ, nakatanggap ito ng 2.8 milyong ulat ukol sa online child sexual abuse cases ngayon taon, higit 100 porsiyentong mas mataas kumpara sa naitalang 1.3 milyon noong nakaraang taon.
“We must take this issue seriously because sexual predators have been taking advantage of the internet and the innocence of children, especially since the pandemic hit, to perform their illegal activities,” sabi pa ni de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.