WATCH: Campaign posters sinimulan nang alisin sa “Oplan Baklas” ng DPWH

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbabaklas ng mga campaign posters na nasa mga pader, mga tulay at nagsabit sa mga puno at poste.

Sa bahagi ng Dimasalang Bridge, puspusan ang ginagawang pagtatanggal ng DPWH personnel sa mga posters na patung-patong na ikinabit sa gilid ng tulay.

Gamit ang matutulis na bagay, binabakbak ng mga tauhan ng DPWH ang mga posters na ang iba ay tatlong patong pa, dahil ugali ng mga supporters na patungan ng poster ng kanilang kandidato ang poster ng kalabang kandidato.

Maliban sa mga nakadikit sa pader ay binabaklas din ang mga poster na nakasabit sa puno at poste at ang iba ay sa kawad pa ng kuryente.

Ayon sa DPWH, buong Metro Manila ang operasyon ng “Oplan Baklas” ng DPWH at MMDA at posibleng tumagal ng isang linggo bago tuluyan nilang matanggal ang mga idinikit na campaign poster.

Read more...