Transparency, accountability isusulong ng bagong PITC CEO
By Chona Yu December 31, 2021 - 09:02 AM
Tiniyak ng ng bagong pangulo at chief executive officer ng Philippine International Trading Corporation na ipapatupad niya ang mga patakaran ng transparency at accountability sa pagbibgay serbisyo sa publiko at partner agencies ng korporasyon.
Sinigurado ni Undersecretary Emmie Liza “Doc Molly” Perez-Chiong, na naging pangulo ng PITC noong Nobyembre 11 sa Commission on Audit na ibabalik ng PITC ang hindi nagamit na pondo sa lalong madaling panahon pagkatapos ng kaukulang accounting nito.
“Isinauli ng PITC ng malaking bahagi ng mga hindi nagamit na pondo ng dating dating namumuno ng PITC. Kami ang mahigpit na susunod sa mga rekomendasyon ng COA. Nagpapasalamat ako sa COA sa pagtawag ng aming pansin,” wika niya.
Ang PITC ay isang ahenisya ng pamahalaan na tumutulong sa mga transaksiyon ng government-to-government, business-to-business, at business-to-consumer sa pamamagitgan ng international trade service tulad ng export, import, customs bonded warehousing, at procurement.
“Ang PITC ay may mahalagang papel upang tulungan ang mga kumpanyang Pilipino na i-export ang kanilang mga produkto, tulungan ang mga ahenisya ng gobyerno na bumili ng mga kagamitan at mga banyagang kumpanya na makilala ang kanilang mga produkto at serbisyo sa bansa,” dagdag ni Perez-Chiong na nagtapos sa University of the Philippines UP-Diliman at isang dentista.
Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, sinabi ni Perez-Chiong na ang PITC ay mas higit na tutugon sa pagtulong sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagbili ng kanilang mga kailangan.
Nais din niya na tulungan ang mga Pilipinong kumpanya kabilang ang small and medium enterprises (SME) sa pag-export ng kanilang mga produko sa ibang bansa.
Nagtuturo ang PITC sa mga Pilipinong may-ari ng negosyo kung paano sila makapag-export ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng impormasyon sa kalidad, packaging at marketing, at ilapit sila sa mga foreign market tulad ng mga supermarkets, retail at wholesale outlet at mga manufacturing at construction firm.
“Nais namin silang tulungan upang lumago ang kanilang mga negosyo sa ibang bansa,” dagdag ni Perez-Chiong.
Kabilang din sa ginagawa ng PITC ang countertrade, isang transaksiyon na katulad ng pagpapalitan.
Ang countertrade sa ilalim ng pamahalaan ng Pilipinas ay isang transaksiyon ukol sa importasyon o pagbili ng foreign capital equipment, makinarya, produkto at serbisyo.
Ayon kay Chiong, ang countertrade ‘benefits’ the procuring government agencies at ‘maximizes’ ang halaga ng pera.
Ipinapatupad ng PITC ang countertrade sa ngalan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ang isang halimbawa ng countertrade ng PITC ay ang offset, kung saan ang primary supplier ay sasang-ayon, bilang kondisyon ng bentahan na magpakilala ng industrial at commercial na aktibidad para sa benepisyo ng bibili o bansa ng bibili.
Ito ay maaaring industrial cooperation at participation, investment, technology transfer, grant, training at skills upgrade, research at development, at donation.
Isa sa ipinapatupad ng PITC sa ilalim ng countertrade ay ang counterpurchase kung saan sasang-ayon ang primary supplier sa obligasyon na siya ay bibili ng mga produkto o serbisyo sa bansa ng buyer.
“Ang PITC ay may adhikain na palakasin ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga mahahalagang programa at polisiya,” wika ni Perez-Chiong.
Kamakailan, tinawag ng pansin ng COA ang PITC at pitong iba pang kumpanya ng pamahalaan dahil sa mahigit na P13.7 bilyon na pondong hindi nagamit na nakalaan sa pagpatupad ng mga programa at proyekto ng ibang ahensiya ng gobyerno.
Ayon sa 2020 COA report ukol sa mga korporasyon ng gobyerno, ang PITC at iba pang korporasyon ng gobyerno ay pumalya sa pag-liquidate ng pondo na kanilang tinanggap kaya inaatasan ang mga ito na ibalik ang mga hindi nagamit na pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.