COVID-19 positivity rate posibleng pumalo sa 2,500 sa New Year’s Eve
Nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng pumalo sa mahigit 2,000 na kaso ng COVID-19 ang maitala sa New Year’s Eve.
Pahayag ito ng OCTA Research Group matapos pumalo sa 14 percent ang positivity rate.
Ayon kay OCTA Research fellow Doctor Guido David, maaring pumalo sa 2,500 ang kaso ng COVID-19 sa December 31, 2021.
Dahil dito, hinihimok ni Guido ang publiko na patuloy na sumunod sa mga itinakdang health protocols.
Base sa talaan ng Department of Health kahapon, December 30, nasa 1,623 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.