Bilang ng firework-related injuries sa bansa, nadagdagan pa

By Angellic Jordan December 29, 2021 - 02:28 PM

File photo

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawang panibagong kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon.

Sa datos hanggang December 29, umabot na sa 25 ang kabuuang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok.

May mga napaulat na natamaan sa bahagi ng katawan, partikular sa kamay (11), ulo (7), mata (6), leeg (4), dibdib (3), paa (1) at hita (1).

Sinabi ng DOH na wala namang naiulat na kaso ng fireworks ingestion at stray bullet injury.

Upang hindi madagdagan pa ang kaso, hinikayat ng kagawaran ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok para sa ligtas at masayang pagsalubong ng Bagong Taon.

Maari anilang gumamit ng noise-makers at light emitting devices bilang alternatibo sa selebrasyon.

TAGS: BagongTaon2022, doh, FireworkInjury, InquirerNews, NewYear2022, RadyoInquirerNews, Salubong2022, BagongTaon2022, doh, FireworkInjury, InquirerNews, NewYear2022, RadyoInquirerNews, Salubong2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.