VP Robredo, naka-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang close-in security

Screengrab from VP Leni Robredo’s Facebook live

Inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo na nakasailalim siya sa quarantine.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng exposure sa kaniyang close-in security na nagpositibo sa COVID-19.

Sa Facebook live, sinabi ng bise presidente na tinawagan siya upang ipaalam ang balita, Martes ng gabi (December 28).

Susunod aniya siya sa protocol na sumailalim sa pitong araw ng quarantine.

Ibinahagi rin ni Robredo na nagpositibo sa nakahahawang sakit ang kaniyang anak na si Tricia.

“Si Tricia asymptomatic, wala rin siyang symptoms. Tapos ayun nga, negative na siya ngayon for three straight days pero patuloy kaming sumusunod sa protocols na hindi muna nagsasama-sama,” pahayag nito.

Humiling naman ng panalangin si Robredo sa publiko na ipagdasal na hindi sila nahawa ng COVID-19.

“Yung trabaho ko nga, gawin ko na lang munang online para hindi sayang sa oras. Pero nahinto ‘yung aking pag-iikot pero rest assured na ‘yung mga team natin ay tuluy-tuloy ‘yung relied operations on the ground,” dagdag nito.

Read more...