50 porsyento ng linya ng Globe naibalik sa Leyte, Southern Leyte

By Chona Yu December 29, 2021 - 02:09 PM

Photo credit: Globe

Naibalik na ng Globe Telecom ng 50 porsyento ang linya ng komunikasyon sa Leyte at Southern Leyte na mahigpit na sinalanta ng Bagyong Odette.

Nangangahulugan ito ng 41 na munisipalidad sa Leyte at limang bayan sa Southern Leyte.

Ayon sa Globe, 24/7 na nagtatrabaho ang kanilang hanay para maibalik ang linya ng komunikasyon sa lalong madaling panahon.

Samantala, sa Cebu, naibalik na ang linya ng komunikasyon sa 20 lugar.

Naayos na rin ang GoWiFi facility sa Mactan Airport.

Una rito, naibalik na ng Globe ang serbisyo sa buong Samar, Antique, Biliran, Capiz, Guimaras, Iloilo at Siquijor.

Sinabi pa ng Globe na maari na ring mag-donate ang kanilang mga costumers sa mga nasalanta ng bagyo.

Mula December 29, 2021 hanggang January 15, 2021, maaring i-convert ng costumer ang kanilang data bilang donasyon.

Para sa 1GB ay P10, 5GB ay P50, at 10GB sa P100 sa pamamagitan ng GOMO’s ‘Mo Creds feature.

Nanatiling bukas ang 65 Libreng Tawag at Libreng Charging stations sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Photo credit: Globe

TAGS: Globe, InquirerNews, OdettePH, RadyoInquirerNews, Globe, InquirerNews, OdettePH, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.