318 sa 1,454 examinees, nakapasa sa Dec. 2021 CPA licensure exam

By Angellic Jordan December 29, 2021 - 08:01 PM

Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 318 sa 1,454 examinees ang nakapasa sa Certified Public Accountant Licensure Examination.

Isinagawa ang naturang examination nitong buwan ng Disyembre.

Gagawin via online ang registration para sa paglalabas ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration mula February 2 hanggang February 8, 2022.

Maaring magtungo sa www.prc.gov.ph at sundin ang mga sumusunod na instruction para sa initial registration.

Kinakailangang dalhin ang Oath Form o Panunumpa ng Propesyonal, notice of admission (para sa identification lamang), dalawang piraso ng passport-sized pictures (colored na may puting background at kumpletong name tag), dalawang set ng documentary stamps at isang piraso ng short brown envelope.

Sinabi ng PRC na antabayan ang anunsiyo ukol sa petsa at venue ng oathtaking ceremony para sa mga nakapasa sa naturang examination.

TAGS: CPA, CPAexam, InquirerNews, PRC, ProfessionalRegulationCommission, RadyoInquirerNews, CPA, CPAexam, InquirerNews, PRC, ProfessionalRegulationCommission, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.