PCG, kinilala ang pagsisikap ng PCGA sa disaster response ops
Binigyang pagkilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang PCG Auxiliary (PCGA) para sa pagsisikap na suportahan ang disaster response operations ng gobyerno patungo sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang lugar ng bagyong Odette.
Nagpasalamat si PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo Laroya sa aktibong partisipasyon ng PCGA squadrons sa mga operasyon ng ahensya bago, sa kasagsagan, at pagkatapos ng pananalasa ng bagyo.
“Our PCGA volunteers lent their rescue assets and even risked their lives to evacuate trapped residents in various regions, specifically in Western Visayas and Northern Mindanao, during the onslaught of Typhoon Odette,” ani Laroya.
Dagdag nito, “As soon as the weather stabilized, they started repacking relief supplies and delivered them to Coast Guard vessels that are deployed to conduct transport missions.”
Pinakinggan din aniya ng PCGA ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng pagdo-donate ng pagkain, tubig, construction materials, at generator sets.
“They continue to remain as our valuable partner in the swift implementation of missions to ultimately serve our ‘kababayans’ who are in need of assistance for their recovery after the typhoon,” saad pa nito.
Ipinagmalaki rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade, na isa ring miyembro ng PCGA Executive Squadron.
“Saludo ako sa mga PCGA volunteers na patuloy na tumutulong sa Coast Guard para mapadali at mapabilis ang relief operation sa mga lugar na nasalanta ng bagyo. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat sa inyong sakripisyo. Mula sa Pangulo at sa sambayanan, maraming salamat sa inyong serbisyo,” pahayag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.