Pateros hindi na ‘COVID-19 free’; Isang bagong kaso, naitala

By Jan Escosio December 28, 2021 - 05:32 PM

Naputol na ang tatlong linggo ng pagiging COVID 19-free ng bayan ng Pateros.

Inanunsiyo ni Mayor Miguel Ponce na nakapagtala sila ng isang bagong kaso at may ilan ang naka-quarantine.

Aniya, ang mga ito ay sumailalim na sa swab test at ang pangamba nila ay maaring positibo na rin sa sakit ang close contacts.

Binanggit din nito na noong Disyembre 27, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ang bahagyang pagdami ng mga kaso sa bansa, kasama na ang Metro Manila sa gitna ng holiday season.

Paalala lang nito na hindi pa tapos ang laban sa COVID-19, lalo na’t may Omicron variant na sa bansa.

Aniya, kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat at ayaw na niyang bumalik sila sa sitwasyon na sumusundo sila ng mga pasyente at nagsasagawa ng contact tracing.

TAGS: COVIDcase, InquirerNews, MiguelPonce, Pateros, RadyoInquirerNews, COVIDcase, InquirerNews, MiguelPonce, Pateros, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.