PhilHealth, ‘weak link’ sa public health system ng bansa – Angara

By Jan Escosio December 28, 2021 - 05:23 PM

Sinabi ni Senator Sonny Angara na inasahan na niya ang pagputol ng ilang pribadong ospital ng kanilang kaugnayan sa PhilHealth.

Ito ang dahilan kaya’t palagi niyang hinihikayat ang PhilHealth na suriin nang husto ang kanilang reimbursement system.

Bukod dito, mas makakabuti kung finance professionals ang mamamahala sa PhilHealth.

“Sorry to say but Philhealth is one of the weak links right now in the country’s health system. It needs to be more efficient and well managed to be such,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance.

Samantala, sinabi ni Sen. Nancy Binay na lubhang nakakadismaya ang pangyayari dahil aniya, ilang beses na nilang ipinagbilin sa PhilHealth ang isyu ngunit wala pa rin malinaw na ginawang hakbang.

“A PhilHealth holiday is a major cause of concern. Tama ba yung pasyente muna ang mag-aabono ng pang-ospital, tapos bahala na rin silang maghabol sa Philhealth?,” tanong ni Binay.

Diin pa niya sa isyu ngayon sa pagitan ng PhilHealth at mga ospital, ang taumbayan ang naiipit at kaawa-awa.

TAGS: InquirerNews, NancyBinay, philhealth, RadyoInquirerNews, SonnyAngara, InquirerNews, NancyBinay, philhealth, RadyoInquirerNews, SonnyAngara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.