Apat pang fireworks-related injuries, naitala sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng apat na panibagong kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon.

Sa datos hanggang December 28, umabot na sa 23 ang kabuuang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok.

May mga napaulat na natamaan sa bahagi ng katawan, partikular sa kamay (11), ulo (7), mata (6), leeg (3), dibdib (2), paa (1) at hita (1).

Sinabi ng DOH na wala namang naiulat na kaso ng fireworks ingestion at stray bullet injury.

Hinikayat ng kagawaran ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok para sa ligtas at masayang pagsalubong ng Bagong Taon.

Maari anilang gumamit ng noise-makers at light emitting devices bilang alternatibo sa selebrasyon.

Read more...