47.86-M katao sa bansa, fully vaccinated na vs COVID-19
Umabot na sa 47.86 milyong katao ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, nangangahulugan ito ng 62.05 porsyento sa target population na babakunahan.
Samantala, sinabi ni Nograles na nasa 60.81 milyong katao naman ang nakatanggap ng first dose.
Nangangahulugan ito ng 78.83 porsyento sa target population.
Sa ngayon, nasa 202 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
Sa naturang bilang, 106 milyon na ang na-administer.
Sapat aniya ang suplay para mabakunahan ang 100 milyon na populasyon sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.