P3.37 bilyong pondo kailangan para sa pagpapagawa sa mga nasirang silid aralan

By Chona Yu December 28, 2021 - 12:35 PM

DepEd photo

Nangangailangan ang Department of Education ng P3.37 bilyong pondo para sa pag-aayos at pagpapagawa ng mga bagong silid aralan na nasira dahil sa Bagyong Odette.

Sa Talk to the People, inulat ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na  nasa 1,068 na silid aralan ang totally damage habang nasa 1,316 naman ang partially damage.

Sa ngayon, sinabi ni Briones na mayroong P230 milyong Quick Response Fund na natitira ang DepEd.

Sa naturang halaga, P3 milyon ang nasa DepEd Central office habang ang P227 milyon ay nasa mga regional offices.

TAGS: Bagyong Odette, leonor briones, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, silid-aralan, Bagyong Odette, leonor briones, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, silid-aralan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.