Apat ang nasugatan matapos araruhin ng isang Toyota Vios ang nakaparadang pampasaherong jeep at tricycle sa Zone 1 Boundary ng Barangay San Felipe at Barangay Peñafrancia sa Naga City kaninang alas 4:00 ng madaling araw.
Ayon kay PO2 Cesar Sandrino ng Naga Philippine National Police (PNP), lasing ang driver ng Toyota Vios na may plakang ABL 9644.

Dahil sa kalasingan, hindi na nakontrol ng driver ang manibela dahilan para salpukin ang nakaparadang jeep na may plakang EVM 108.
Hindi rin nakaligtas ang nakaparadang tricycle na pag-aari ni Rodrigo Chavez.
Sa lakas ng pagsalpok ng Toyota Vios ay bumaligtad ang sasakyan.
Isinugod na sa ospital ang apat na sugatan na pawang sakay ng Toyota Vios.
Pag-aaralan din ng mga pulis ang kuha ng CCTV sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
