Dolomite Beach bukas na ulit

Binuksang muli sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach sa Maynila.

Ayon sa Department of Environment and Natural resources, bukas ang Dolomite Beach sa December 28 hanggang 29.

Isasara ulit ito sa New Year at bubuksan sa January 4, 2022.

Kinakailangan na mag-register online ang mga bibisita sa Dolomite Beach sa DENR Manila Bay Dolomite Beach Appointment System sa https://denrncrys.online.

Makatatanggap ng sagot sa email para sa confirmation ng appointment.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagdami ng tao sa Dolomite Beach.

Pinaalalahanan din ng DENR na bawal ang mga bata na 11 anyos pababa.

Bukas ang Dolomite Beach ng 6:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon.

Kinakailangan na dalhin ang vaccination cards, face mask at physical distancing.

Bawal  ang mga hayop, pagkain at inumin sa Dolomite Beach.

 

Read more...