141 pasilidad pangkalusugan napinsala ng bagyong Odette

By Jan Escosio December 28, 2021 - 09:24 AM
Iniulat ng Department of Health na umabot sa 141 pasilidad pangkalusugan ang napinsala sa pananalasa ng bagyong Odette. Sinabi ni Health Secretary  Francisco Duque III na ang mga napinsalang pasilidad ay sa Regions IV-B, 6, 7 at Caraga at ang halaga ng mga pinsala ay umabot sa P195.4 milyon. Kabilang sa mga naapektuhan ay 50 ospital, isang Center for Healtth Development, 45, barangay healyh stations, 41 rural healyh units, dalawang provincial offices, isang city health office at isang temporary treatment and monitoring facility (TTMF). Nabanggit din ni Duque ang pagdami ng kaso ng acute gastroenteritis at diarrhea sa Dinagat Islands, Siargao at Cebu, na labis na nasalanta ng nagdaang bagyo. Tiniyak naman ng kalihim na nakatutok sila sa mga naturang kaso, na nagmula sa maduming tubig, gayundin nagpadala na ng mga naturang gamot para sa mga biktima.

TAGS: 141 pasilidad, Bagyong Odette, Health Secretary Francisco Duque, news, Radyo Inquirer, 141 pasilidad, Bagyong Odette, Health Secretary Francisco Duque, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.