16 kooperatiba sa bansa pinarangalan ng Villar Sipag
By Jan Escosio December 28, 2021 - 09:15 AM
Dahil sa kanilang katangi-tanging kontribusyon para mapagbuti ang kalidad ng buhay ng mga Filipino, binigyan parangal nina Senator Cynthia Villar at dating Senate President Manny Villar ang 16 kooperatiba mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Layon ng pagkilala ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ay magsilbing inspirasyon ang 16 kooperatiba sa iba pang kooperatiba para sa paglikha ng mga trabaho.
Naniniwala ang mag-asawang Villar na sa ganitong paraan ay aangat at bubuti ang kondisyon ng pamumuhay ng mga Filipino na magiging daan para sa paglago ng ekonomiya.
Nabatid na ang 16 ay napili mila sa 247 kooperatiba at ang bawat isa sa mga nanalo ay tumanggap ng P250,000
Ang 13 ay nag-aalok ng savings and loans services, smanatalang ang dalawa naman ay nagbibigay ng trabaho at ang isa ay kinilala dahil sa pagbibigay ng kabuhayan sa ilang pamilya sa Nueva Ecija sa pamamagitan ng pagpapalago ng kawayan.
Naging daan ang 13 kooperatiba ay malaki ang naitulong sa mga magsasaka, guro, katutubo at sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan din ng pagtuturo ng tamang paggamit at pag-iimpok ng pera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.