Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Odette, bibigyan ni Pangulong Duterte ng tig P5,000

By Chona Yu December 28, 2021 - 08:36 AM

Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig P5,000 ang bawat pamilyang naapektuhan ng Bagyong Odette.

Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito na nakakuha siya ng sapat na pondo para bigyan ng ayuda ang mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi namman ni Interior Secretary Eduardo Año na naglatag na ng guidelines ang kanilang hanay para sa pamamahagi ng ayuda.

Nasa P4 na bilyon aniya ang nakalaang pondo.

Ayon kay Año, ipamamahagi ang P5,000 na ayuda sa loob ng 15 araw.

Tutulong aniya ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pamamahagi ng ayuda.

 

 

TAGS: ayuda, Bagyong Odette, DILG, news, P5000, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Secretary Eduardo Año, ayuda, Bagyong Odette, DILG, news, P5000, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Secretary Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.