QC Congressional aspirant Rose Nono Lin tinawag na sinungaling

By Jan Escosio December 28, 2021 - 12:42 AM

Hindi na nakatiis pa ang tinawag ng sinungaling ni Senator Richard Gordon si Quezon City Congressional aspirant Rose Nono Lin.

 

Nangyari ito sa pang-17 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa paggasta ng COVID 19 funds.

 

Sinabi ni Gordon na ang naging pagdinig ng pinamumunuan niyang komite ay naging litanya na ng mga kasinungalingan.

 

“All these people are lying! It’s a train wreck of lies. But the truth is coming out now.

 

Pinuna din ng senador ang hindi pagdalo sa pagdinig ni Nono Lin, na sa kanyang sulat sa komite ay sinabi nito na siya ay nasa Guimaras at tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

 

Ngunit sa mga naglabasang ulat, pinangunahan ni Nono Lin ang isang choir contest sa lungsod ng Quezon sa araw ng pagdinig.

 

Nadiskubre din na wala pang biyahe ang mga eroplano sa Guimaras.

 

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa pagpasok ng bagong taon.

TAGS: Blue Ribbon, COVID-19, Gordon, Rose Nono-Lin, Senate, Blue Ribbon, COVID-19, Gordon, Rose Nono-Lin, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.