Tugade, pinangunahan ang inspeksyon sa MICT sa Maynila

By Angellic Jordan December 27, 2021 - 09:58 PM

DOTr photo

Pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade ang inspeksyon sa Manila International Container Terminal (MICT) sa Tondo, Maynila Lunes ng umaga, December 27.

Kasama ng kalihim sa inspeksyon sina Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., at iba pa.

Inikot ng mga opisyal ang pasilidad sa loob ng MICT para magbigay ng alternatibong pamamaraan, partikular sa operators ng container trucks na dumadaan sa Roxas Boulevard at Cavite, na maidaan ang import at export products sa tulong ng mga barge na kinokonekta ng MICT at Cavite Gateway Terminal (CGT) sa Tanza, Cavite.

“Nagpapakita ngayong nagsasama-sama kami dito ng ICTSI, PPA, DPWH, MMDA, at DOTr, na kapit bisig ang pamahalaan at pribadong sektor. Kaya naman walang problemang hindi matutugunan at hindi masosolusyunan,” pahayag ni Tugade.

Samantala, nagsagawa rin ng hiwalay na inspeksyon sa CGT.

TAGS: cavite, CaviteBargeTerminal, CGT, DOTrPH, InquirerNews, manila, MaritimeSectorWorks, mict, RadyoInquirerNews, cavite, CaviteBargeTerminal, CGT, DOTrPH, InquirerNews, manila, MaritimeSectorWorks, mict, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.