Mabilisang ayuda sa mga biktima ng #OdettePH, ibigay na – Legarda

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Binati ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda si Pangulong Rodrigo Duterte sa mabilis na pagbaba ng utos upang maibigay ang ayuda sa mga biktima ng bagyong Odette.

Nakatutok ang mambabatas sa pagtulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, kasama ang Central Visayas, Eastern Visayas, Mindanao, at Palawan.

Nakikipag-ugnayan ang kongresista sa mga ahensya ng gobyerno para maging bilis ang paghahatid ng tulong katulad ng mga kinakailangang gamot at pampa-ospital, at iba pang programa.

Samantala, nanguna ang three-term senator sa huling survey ng Pulse Asia sa senatorial race para sa 2022 elections.

Kapwa nasa number 2 ranking sina Legarda at Raffy Tulfo.

Nagpasalamat naman si Legarda suportang ibinibigay ng mga mamamayan.

Read more...