Opisyal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections, ilalabas sa January 7

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na mailalabas ang opisyal na listahan ng 2022 National and Local Elections sa January 7, 2022.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, target nilang maisapinal ang listahan sa nasabing petsa.

Umaasa aniya ang poll body na mareresolba ang mga kaso ng kanselasyon ng certificate of candidacy at sa nuisance candidates bago target date.

Ngunit sa ibang mga kaso tulad ng disqualification case, kung saan mas kumplikado ang mga isyu at kailangan ng mahabang panahon para maresolba, sinabi ni Jimenez na hindi sila maaalis sa listahan.

“For other cases, like a disqualification case for example where the issues are more complicated and will probably take longer to resolve, well, hindi sila matatanggal but they will be able to proceed because there will be nothing hindering their candidacy at that time,” paliwanag nito.

Read more...