Mahigit 300 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Nasa 318 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 27), pumalo na sa 2,838,792 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 9,579 o 0.3 porsyento ang aktibong kaso.

3,644 sa active COVID-19 cases ang mild; 445 ang asymptomatic; 3,339 pasyente ang moderate; 1,777 ang severe habang 374 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 11 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,211 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 255 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,778,002 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...