Ikaapat na kaso ng COVID-19 Omicron variant, naitala sa Pilipinas
Nakapagtala ng isa pang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), isang 38-anyos na babaeng biyahero mula sa Amerika ang apektado ng bagong variant.
Dumating ang biyahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) via Philippine Airlines flight PR 127 noong December 10, 2021.
Nakaranas ang pasyente ng pangangati ng lalamunan at sipon noong December 13.
Nagkaroon ng exposure ang pasyente sa kaniyang mga kaibigan sa Amerika bago bumiyahe patungong Pilipinas.
Negatibo ang pasyente sa kaniyang pre-departure PCR swab noong December 7.
Ngunit nagpositibo sa nakahahawang sakit sa nakuhang specimen noong December 14 at sa reswab collection date noong December 25.
Inilabas na ng facility isolation ang pasyente dahil asymptomatic ito noong December 24.
Sa ngayon, nakasailalim ito sa home isolation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.