Presyo ng mga produktong petrolyo, magkakaroon ng kaltas sa December 28

By Angellic Jordan December 27, 2021 - 11:38 AM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may kaltas na P0.65 sa kada litro ng diesel habang P0.20 naman ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon naman ng rollback na P0.85 sa bawat litro ng kerosene ng Seaoil at Shell.

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Seaoil at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga (December 28).

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.