310 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas
Sa Bisperas ng Pasko, nasa 310 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyerns (December 24), pumalo na sa 2,838,032 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 9,321 o 0.3 porsyento ang aktibong kaso.
3,295 sa active COVID-19 cases ang mild; 474 ang asymptomatic; 3,382 pasyente ang moderate; 1,795 ang severe habang 375 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 69 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 51,050 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 227 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,777,661 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.