PCG BARMM, nagdala ng dagdag na suplay sa Dinagat Islands

PCG photo

Nagdala ang Philippine Coast Guard (PCG) District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng karagdagang suplay sa Dinagat Islands para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.

Ibinaba ang mga suplay ng relief goods sa Surigao City.

Mula sa BRP Cape San Agustin (MRRV-4408), ibinaba ng PCG District BARMM ang 4,857 kahon ng relief goods, 168 galon ng mineral water, 124 sako ng 50-kilogram bigas, at tatlong containers, araw ng Huwebes (December 23).

Sinundan ang naturang operasyon ng relief transport mission sa tulong ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) noong Miyerkules.

Natanggap ng Emergency Operations Center sa Dinagat Islands ang nasabing mga suplay upang ipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Read more...