P5,000 pamasko ni Mayor Isko sa mga manggagawa

By Chona Yu December 24, 2021 - 11:28 AM

May pamasko si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno para sa mga job order workers, contract of service at iba pang casual employees ng lungsod.

Ito ay dahil sa nilagdaan na ni Moreno ang Ordinance Number 8797 na nagbibigay ng P5,000 financial assistance o cash gift sa mga manggagawa.

Ayon kay Moreno, aabot sa P51,150,000 ang inilaang pondo.

Kasabay nito, inaprubahan na rin ni Moreno ang 2022 budget para sa  special education fund na nagkakahalaga ng P2,556,546,510.

Kabilang sa mga paglalaanan ng pondo ang reconstruction ng Ramon Magsaysay High School sa Espana St., Sampaloc District.

Sa ilalim ng plano, ipatatayo ang 10-story building na mayroong 232 silid aralan.

Ang  Ramon Magsaysay High School ay ang nangungunang secondary school sa Manila at may pinakamaraming estudyante.

“I always wanted the best for our people. It doesn’t have to be bigger but better in terms of facilities. This type of school will be built as if this is a private school. Dapat ito ang maging model ng private education system,” pahayag ni Moreno.

Nakapaloob din sa pondo ang pagpapalawig ng load allowance ng mga estudyante at guro.

“We are ahead of our time again which is good. Rest assured that we will continue to address the future of the education of our students in the city,” pahayag ni Moreno.

 

 

TAGS: cash gift, contractual, job order, news, P5000, Radyo Inquirer, cash gift, contractual, job order, news, P5000, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.