Pangulong Duterte wala munang Pasko at Bagong Taon, magtatrabaho para sa mga biktima ng Bagyong Odette
Hindi na muna magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pangulo, gagamitin niya ang holiday season sa pagtatrabaho para matulungan ang mga nabiktima ng Bagyong Odette.
Sa pagbisita kahapon ni Pangulong Duterte sa Puerto Princesa, Palawan, sinabi nito nan ais niyang mabisita ang mga lugar na mahigpit na sinalanta ng bagyo.
Pero may mga lugar aniya na mahirap na mapuntahan at hirap ang mga eroplano at helicopter na makapag-landing.
Tiniyak naman ng Pangulo na darating na ang pera sa lalong madaling panahon.
“So titignan namin, hanggang Pasko magtatrabaho ako, hindi ako mag-New Year, talagang lalabas ako. Pero ito hintayin na lang ninyo, one or two days ang sabi ko sana, kung umabot man lang ng Pasko, ewan ko, dina-download na ‘yong pera ngayon, kung magdating man sa Pasko magpasalamat ako sa Diyos,” pahayag ng Pangulo.
Kung hindi man aniya dumating sa lalong madaling panahon, humihingi ng pang-unawa ang Pangulo.
Pinakamatagal na aniya ang tatlong araw.
Sinabi pa ng Pangulo na maging ang mga sundalo at pulis ay wala ring bakasyon ngayong Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.