Magsasagawa ng $6.5 million o P325 milyong campaign fund ang United Nations para ipang-ayuda sa mga nabiktima ng Bagyong Odette sa bansa.
Ayon kay Gustavo Gonzales, country coordinator ng UN, ilalaan ang pondo para sa 530,000 katao na naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa itutulong ng UN ang health logistics, inuming tubig at sanitation facilities.
Ayon kay Gonzalez, ilulunsad ang aktibidad ngayong araw sa local level kasama ang international community.
Aabot sa 375 katao ang nasawi matapos manalasa ang bagyo sa bansa.
READ NEXT
PPA nagpaabot ng financial, operational support sa mga ahensyang sangkot sa #OdettePH response ops
MOST READ
LATEST STORIES