Pilipinas, nakapagtala ng 288 na bagong kaso ng COVID-19
Nasa 288 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (December 23), pumalo na sa 2,837,903 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 9,251 o 0.3 porsyento ang aktibong kaso.
3,204 sa active COVID-19 cases ang mild; 480 ang asymptomatic; 3,393 pasyente ang moderate; 1,797 ang severe habang 377 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 65 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 50,981 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 270 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,777,671 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.