Pumalo na sa 277.52 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 277,525,937 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 52,510,978 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,765,976 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,222,928 naman ang kaso sa Brazil habang 11,647,473 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,292,983
– Turkey – 9,228,835
– France – 8,798,028
– Germany – 6,915,353
– Iran – 6,177,885
– Spain – 5,645,095
– Italy – 5,472,469
– Argentina – 5,415,501
– Colombia – 5,112,719
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,393,668 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 248,672,730 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.